ME AND MY SO CALLED LIFE...

My Categories

I.M.

your name:

url:

your message:

Entries for December, 2005

December 7th, 2005

first time....

Posted by linglaine at 10:19 PM on December 7, 2005 in 日本のこと.

First time ko sa bagay na'to. Aaaay... ayokong mag-isip... ang dumi kasi ng isip ko eh... ahahahaha! ano ba yan, parang ako lang naman ang nakakaintindi sa mga pinagsasabi ko.

Pero, first time ko nga. =D first time kong magpost! ay nako, pag nabasa 'to ni tinats, panigurado sasabihin lang nun, "sa wakas elai!". Hehehe. sa dinami-dami na ata niyang ginawang pagre-register sa akin sa kung saan-saan eh wala ni isa man don ang napost-an ko ng kahit isang entry.

Ano bang magandang sabihin? Haaaay.... malamang hindi tungkol sa work! Baka ma-bore lang kayo parang ako.(evil laugh).

Eto... 最後の日曜日、雪が振りました。 Hehehe... Basta! Nagsnow na nung sunday!!!! Grabe, eto talaga, first time ko maexperience ang snow!!! What time nga ba siya unang bumagsak? Hindi ko alam kasi nasa bus ako non habang pauwi galing Kobe. Para sa mga di nakakaalam, sa Tottori nga pala ako naka-base. Eniwei, ayun na nga, na-miss ko ang unang bagsak pero buti nalang umulit siya ng 10PM. Waaaaaah!!! Kahit gabi na nun at medyo 0 degrees lang naman eh, mapapalagpas ko ba naman yun!?! shempre hinde. Hala! Labasan kami lahat ng mga roommates ko sa parking lot at don sinalo lahat ng snow. Andun na't nakalimutan ko pang mag-gloves at magsapatos. Bwahahaha!

Ang sarap ng feeling habang humahampas sa mukha ko ang snow at sarap niyang panoorin habang umiikot kasabay ng hangin. Katuwa talaga! Kahit nagkanda paso-paso na yung kamay ko sa lamig, ok lang! Enjoy pa din! Gawa pa kami ng snow ball at batuhan. Ang ingay-ingay nga namin eh. Keber kung magsipag-bangunan ang mga kapitbahay naming mga sakang, ay, mga Hapon pala! May gagawa ba sila? Eh first time nga namin eh.=D Hehehe. Ang hirap i-describe ng naramdaman ko, basta ang alam ko, hindi mababayaran yung feeling ko nung mga oras na yon. Para mas masaya, tingnan niyo nalang pics ko sa gallery. Maiinggit ang mga di pa naka-experience! Bwahahahaha!

Napagtanto ko lang, ang galing ng pagkaka-illustrate ng snow sa mga cartoons, kamukha talaga. :) At bago ko pala makalimutan, tinikman ko siya. O well, maalat siya! =D

1 comments

December 8th, 2005

kudos UP-ERG!

Posted by linglaine at 10:54 PM on December 8, 2005 in Sa 'Pinas.

Hay nako, ang tindi talaga ng pinakamamahal kong org, ang UP-ERG!!! Dabest at walang kaparis. Maliwanag na pinanis na naman nila ang buong eng'g sa Balibagan.  Ano lang ba naman ang maging 2nd place sa mixed division, 1st sa women's at men's division!?!  Kung nando'n pa'ko? 1st na pati sa Mixed! Bwahahaha. Joke! Kung nando'n pala si Tina. =D

Congrats UP-ERG. Once again, these guys have proven all those second-rate orgs that.... that... they're second-rate!!! Hahaha! Tamaan na ang tamaan, at sana nga tamaan sila. =D

Simula na nga ng eng'g week at sana madagdagan pa ang iuuwi naming trophies.  Take note ha, namin! Go Smoker's! Go Awitan! Go Indakan! Go Ms eng'g! Ano pa ba? Basta ang importante naman eh, nando'n ang puso sa bawat laro, sa bawat event. (kahit di nila 'to mabasa) . Doon pa lang, panalo na!!!

Tina: sana mabasa mo 'to.  Yung ticket ko nga pala sa awitan at indakan ha! =D libre mo muna ako. Bwahahahaha! 

Athan: sorry kung natamaan ka. =D

 

On three... 1 - 2 - 3... EEEEEEEERG FIGHT!!!!  

1 comments

mga Hapon nga naman o...

Posted by linglaine at 11:59 PM on December 8, 2005 in 日本のこと, Babble.

Ang saya na naman kanina after magdinner. Pano si Keg, pinaalala pa si Nanay. Hahaha!

Mga bagong dagdag sa aming list of codenames: 

Nanay... aka... Pong-Pagong! -- " おはよう!... Jen-Jen, だめ! "

Yamakage-san... aka... Kiko Matsing! -- " あ、ごめんなさい。"

May mga napagtawanan na naman kami sa mga Hapon =D 

Add a Comment

December 10th, 2005

Ampuyat

Posted by linglaine at 03:09 AM on December 10, 2005 in 日本のこと, Babble.

I don't know what's the use of staying up this late when i know perfectly well that only larger eyebags are just what i'm gonna get out of it.  Buti na lang yasumi bukas.  Pero ganon din, hindi naman talaga makabawi 'cause I still have to wake up around 10am to prepare the stuff that i'll be needing when I go to Kobe.  Hay nako, dadalhin ko na naman ang buo naming apato... let me do a rundown:

saturday: pantulog, jacket pantulog, set of undies

sunday: pants, pang-ilalim sa pants, longsleeves, again set of undies, blouse, woolskirt, coat, boots

jacket, boushi, gloves, panlagay sa leeg (forgot how it's called! tanga-tangahan ka na naman elai...), toiletries, eyeglasses, contacts' stuff, stocking, socks, thermos, umbrella, digicam, celfone, mp3 player, alien card, fooooooooodz!

at ang pinakabawal malimutan... pera! baka mapadaan na naman ng kobe marui e. mahirap na. mahirap na walang pambili ng mga luho. Wachaa! basta, ayun na!

 

1 comments

December 15th, 2005

Zzzzzzz....

Posted by linglaine at 02:39 PM on December 15, 2005 in 日本のこと, Babble.

I'm such a sleepyhead today. Slept around two and woke up at half past seven in the morning. Countless times I yawned here in the office. Drank coffee, ate three candies and still, zzzzzzzzz....

Not thinking quite right anymore, i ended burning up the handle of the soldering iron (of course, besides the one that i used). hahaha! stupid me! To make matters worse, the burnt iron was not mine! Yoshida-san no. I switched his iron with mine just to hide my foolishness.

Can't wait for three pm. breaktime!

Add a Comment

December 18th, 2005

Ang Katatapos na Eng'g Week

Posted by linglaine at 11:58 PM on December 18, 2005 in 日本のこと, Sa 'Pinas.

Isang taon na mula nang gumraduate ako pero hanggang ngayon, paminsan-minsan eh sumasagi sa isip ko na sana ay hindi pa ako graduate. Dahil graduate na'ko, hindi na ko pwedeng sumali sa taun-taong event na inaabangan ng bawat org sa eng'g, ang Engineering Week. Gusto ko mang pumunta sa UP gabi-gabi para suportahan ang ERG, imposible namang mangyari yun habang nandito pa ako sa Japan.

Pero hindi nangyari ang inaasahan kong mangyayari para sa ERG ngayong taon. Masakit at malungkot mang aminin ay ilan lang ang napanalunang major events ng org ko. Akala ko kasi, nang manalo sila sa balibagan at smokers eh, tuloy-tuloy na para sa lahat ng events. Dalawang events ang inabang-abangan ko tuwing eng'g week. Awitan at Indakan. Taon-taon din kasi akong kasali dati don. Halos hindi ko na nga alam dati kung paano hahatiin ang oras ko sa dalawang 'yon bukod pa sa iba pang events na sinasalihan ko at kasabay na exam pero nagagawa ko pa rin kasi sobrang hilig kong gawin 'yung dalawa. Kaya naman sobrang nalungkot ako nang malamang hindi sila nagplace ngayong taon. Last year kasi, 2nd kami overall sa awitan, 2nd sa group indakan at 1st sa pair indakan!

Hindi man ako nakanood ngayong eng'g week, eto ang mga masasabi ko: Para sa awitan, hindi ko kayo masisisi kung hindi kayo nanalo. Alam kong halos lahat kayo ay bago sa bagay na 'yan kaya hindi maiiwasan na kabahan at magcommit ng maraming mistakes. Ok lang 'yon. Ang importante eh yung drive niyo to do better in next year's awitan. Ganyan din ang awitan group nang una kaming sumali, 5 years ago. Kabado sobra, mahina boses, medyo sintonado. In short, masakit man aminin, palpak. Pero hindi natapos ang lahat sa pagiging palpak. Every year nararamdaman ko yung sobra kagustuhang mag-improve nang bawat isa at nakikita naming lahat 'yun. Hindi lang yung humahangga sa ERG kundi sa buong eng'g. Na-witness nila ang improvement ng grupo bawat taon sa pamamagitan ng ilang beses nang pagkapanalo ng grupo. At napatunayan na namin na sa lahat na hindi nila makakayan-kayanan ang ERG basta sa kantahan. Alam ko (kasama ng iba pang graduate na) na kaya niyo ulit maipanalo ang awitan through constant practices and perseverance. At ang pinaka-importante, ma-realize at maramdaman niyo na ginagawa niyo ang bagay dahil gusto niyo lang manalo. Dapat gusto niyong manalo dahil mahal niyo ang org natin. Mahal niyo ang ERG. Talent is one thing but if you put your heart into what you're doing, feelings will naturally radiate out of you and to your listeners.

Para naman sa indakan, wala sa hinagap ko na hindi kayo mananalo this year. Ang sabi kasi sa akin ni EJ, this year's choreo is the best ERG's ever had. Sapat na yun sakin para isiping mag--pe-place talaga kayo this year. Lalo na nang may nagsabi sa akin na nakapanood sa practices niyo na maganda. As it turned out, hindi kayo nanalo. Nalulungkot ako para sa grupo dahil alam kong sobrang disappointed kayo. I know how it feels to lose not because you suck at what you did but because you weren't judged fairly. Hindi ko alam kung tamang sabihing unfair judgment or was it just that the event sponsor made a wrong decision of including text votes in the criteria for judging. Wait till I get a copy of the video presentations. Pero kahit ganon man, alam kong aabangan parin kayo ng buong eng'g next year. Mag-antay lang sila at babawi kayo!

At eto ang huli kong masasabi. Alam ko this year, mas mataas ang C------ sa ERG sa EWOC points. Eh, ano ngayon? Sabihin niyong sour graping ako? Hindi. Malungkot, oo. Bakit? Points are just points kung wala kayong napapatunayan pa sa buong eng'g. Nagkakaroon lang ng meaning ang points na yan if you had earned it through winnings that involved real talents. Hindi lang dahil sa sandamukal na mini events, quiz shows, palaro ang sinalihan niyo. Sa Eng'g, alam na nila kung sino ang ERG, kung ano ang talent at kayang gawin ng ERG. Eh kayo, may napatunayan na ba? May alam ba silang nagawa niyo na enough na para hindi nila kayo makalimutan at abangan sa bawat event? Wala, 'nuff said.

Lumipas na ang eng'g week at may aabangan na naman next year. Mabilis lang yan at hindi niyo mamamalayan eh eng'g week na naman. Tuloy lang ang laban! (Kala mo, welga no... hehe!) Kayang-kaya niyo yan! ERG pa!?! May tatalo ba sa isang grupo na nagsasama bilang isang pamilya, nagmamahalan at walang plastikan? Wala di ba? Kaya...

Let's do it on three... one... two... three... ERG FIGHT!!!!

Add a Comment

December 19th, 2005

User - Friendly - Friendster

Posted by linglaine at 03:40 PM on December 19, 2005 in 日本のこと, Babble.

Minutes ago, I was trying to create a friendster blog.  For what purpose? Well, I just wanted to check it out and and see if i could make use of it in telling my friends about my account here in tabulas.

But the hell with it.  Took me ages in trying to create one but failed.  I don't know if they're just having site problems or what coz they keep on posting error messages after I submit the needed blog details. Then i'd click the link where it said where you left off, type in my blog name and walah! It said, The folder name you entered is already in use by another of your blogs. Damn! Tried another name and the cycle begins again, error message then name in use.  I already tried every name I could think of, combinations, whatever, but still, no success! 

I had to give up on it because some Nihonjin might see what I was doing during office hours. =D Was it really because of site problems? Or am I just the unluckiest person a while back.  Or, maybe, that's what I get for being user-friendly-friendster? Haha! Maybe they just don't want to let me promote my tabulas page on friendster. 

Was it a sin? Was it such a bad thing to do?

Hmmm...

3 comments

December 21st, 2005

Kainis nang malala

Posted by linglaine at 11:46 PM on December 21, 2005 in 日本のこと, Babble.

Asar ako sa isang hapon, kay Steelwool! As in malalang pagkaasar. Ikaw ba naman hindi ka maasar sa taong pagkatapos kang maghirap at mag-OT kahit gutom na gutom na eh sasabihin sayong ulitin mo ang ginawa mo. Dame daw!?! Buti sana kung ikaw ang may kasalanan, eh hindi naman. Siya 'tong may nakalimutan ipagawa at kulang-kulang ang instructions eh.  Kainis sobra! As in naubos, walang natira ni katiting ni Stephen Covey sa katawan ko.  Reactive na kung reactive.  Reactive talaga ko.  Sabi ko na at may kapalit ang dalawang araw na maaga kong paguwi.  Kung bakit ba naman kasi nakabalik na siya agad galing ng Korea e.  Wish ko talaga, sana iba nalang naging boss ko.  Buti pa sana kung si Kups nalang o kaya si Herbert. Waaaa! Ayoko siyang makita bukas.  

Add a Comment

December 27th, 2005

Dito ba?

Posted by linglaine at 12:48 PM on December 27, 2005 in 日本のこと, Babble.

I just found the perfect song to describe my situation here in Japan!  Out of nowhere, I was singing the line dito ba... and then suddenly Keg went on with the lyrics, ang sulok kong takda... and pffft!!! This is my song! Here goes the entire lyrics:

Dito Ba
Composed by George Canseco

Dito ba, dito ba, dito ba, o dito ba
Ang dapat kong kalagyan
Na isang sulok kong hiram
Sa ilalim ng araw

Dito ba and daigdig ko ngayon
Bakit ibang iba sa daigdig ko noon
Dito ba kung sa'n naroroon
Ang hinahanap kong wala sa panahon

Dito ba ang sulok kong takda sa ilalim ng araw

Dito ba ako naaangkop
Sa paraiso ng walang kumukupkop
Dito ba naroon ang tagumpay
Magkabila'y ngiti, sa loob ay may lumbay

Dito ba ang sulok kong takda sa ilalim ng araw

Kung saan kay lalim ng ng luha
Ligaya'y kay babaw

Dito ba ang sulok kong takda sa ilalim ng araw

Just for laughs!

6 comments