Salamat po.
Posted by linglaine at 10:56 PM on January 4, 2006 in 日本のこと, Sa 'Pinas.
Madaming mga bagay na ginawa ko nang nakaraang taon ang pinagsisisihan ko. Kung anu-ano ang mga yun ay di ko na kailangan sabihin. Mga bagay na akin na lamang. Kung pede ko nga lang burahin ang mga 'yon eh matagal ko nang nagawa. Pero wala naman na akong magagawa kasi nandon na yon. Past is past nga di ba. All I can do is ask God for forgiveness, try not to commit the same mistakes and be the best person that I can be.
Despite all my shortcomings, God has never turned away from me, not even for a second. Minsan kasi naiisip ko, sa sobrang dami kong kasalanan eh, dadating sakin ang karma at biglang na lang sasampal sa mukha ko lahat ng kabayaran para don. Pero hindi ganon. Ang dami-dami ko talagang dapat ipagpasalamat sa Ama. Small things, big things.
Una, nakapasa ako sa ECE board exam! Akala ko talaga non, kayang-kaya eh. Pero hindi pala, sa sobrang dami ng hinulaan ko don eh hindi ko maisip kung pano ako nakapasa. Hindi ko alam ang gagawin ko mag-take 2 ako ng board. Baka nagtago na lang ako sa Mindanao.
Pangalawa, nagkatrabaho ako agad. Eto kasi ang fear ko e. Naiisip ko nun what if makagraduate na nga ako, makapasa ng board pero wala namang trabaho? Edi wala ring kwenta. Para saan pa ang 5 taon kong paghihirap sa pag-aaral? Pero hindi ganon ang nangyari. June 1, 2005, I was officially hired by Nicera Philippines Inc.
Pangatlo, tatlong buwan palang nakakaraan mula nang ma-hire ako e, napadala na ako agad dito sa Japan for training. O diba? At the age of 23, i was already able to set foot on another country. Not every person is really given that chance.
Pang-apat, dahil nga sa nandito ako sa ibang bansa eh, mas malaki ang kita ko. Laking tulong talaga. Tapos dahil dun, nabili ko na yung mga bagay na matagal ko nang gustong bilhin pero hindi ko no'n mabili kasi wala naman akong sariling pera.
Pang-lima, kahit malayo ako sa pamilya ko eh hindi nawawala ang communication namin sa isa't isa at nararamdaman ko na lalong nagiging strong ang relationship at bond namin. Na kahit ma at layo din ako sa pamilya ko, eh marami akong mga kaibigan dito sa Japan at Pilipinas na nagpapaligaya sa akin sa tuwing na-hohomesick ako. :)
Basta, ang dami-dami talaga! Ultimo yung mga kaliit-liitang bagay na sakin nalang din. Wish ko, sana mas maging mabuti akong tao ngayong taon para naman kahit manlang sa ganong paraan eh, masuklian ko ang Ama sa lahat ng mabubuting bagay na ginawa at ginagawa niya para sa akin.
Currently feeling: thankful
Ang Katatapos na Eng'g Week
Posted by linglaine at 11:58 PM on December 18, 2005 in 日本のこと, Sa 'Pinas.
Isang taon na mula nang gumraduate ako pero hanggang ngayon, paminsan-minsan eh sumasagi sa isip ko na sana ay hindi pa ako graduate. Dahil graduate na'ko, hindi na ko pwedeng sumali sa taun-taong event na inaabangan ng bawat org sa eng'g, ang Engineering Week. Gusto ko mang pumunta sa UP gabi-gabi para suportahan ang ERG, imposible namang mangyari yun habang nandito pa ako sa Japan.
Pero hindi nangyari ang inaasahan kong mangyayari para sa ERG ngayong taon. Masakit at malungkot mang aminin ay ilan lang ang napanalunang major events ng org ko. Akala ko kasi, nang manalo sila sa balibagan at smokers eh, tuloy-tuloy na para sa lahat ng events. Dalawang events ang inabang-abangan ko tuwing eng'g week. Awitan at Indakan. Taon-taon din kasi akong kasali dati don. Halos hindi ko na nga alam dati kung paano hahatiin ang oras ko sa dalawang 'yon bukod pa sa iba pang events na sinasalihan ko at kasabay na exam pero nagagawa ko pa rin kasi sobrang hilig kong gawin 'yung dalawa. Kaya naman sobrang nalungkot ako nang malamang hindi sila nagplace ngayong taon. Last year kasi, 2nd kami overall sa awitan, 2nd sa group indakan at 1st sa pair indakan!
Hindi man ako nakanood ngayong eng'g week, eto ang mga masasabi ko: Para sa awitan, hindi ko kayo masisisi kung hindi kayo nanalo. Alam kong halos lahat kayo ay bago sa bagay na 'yan kaya hindi maiiwasan na kabahan at magcommit ng maraming mistakes. Ok lang 'yon. Ang importante eh yung drive niyo to do better in next year's awitan. Ganyan din ang awitan group nang una kaming sumali, 5 years ago. Kabado sobra, mahina boses, medyo sintonado. In short, masakit man aminin, palpak. Pero hindi natapos ang lahat sa pagiging palpak. Every year nararamdaman ko yung sobra kagustuhang mag-improve nang bawat isa at nakikita naming lahat 'yun. Hindi lang yung humahangga sa ERG kundi sa buong eng'g. Na-witness nila ang improvement ng grupo bawat taon sa pamamagitan ng ilang beses nang pagkapanalo ng grupo. At napatunayan na namin na sa lahat na hindi nila makakayan-kayanan ang ERG basta sa kantahan. Alam ko (kasama ng iba pang graduate na) na kaya niyo ulit maipanalo ang awitan through constant practices and perseverance. At ang pinaka-importante, ma-realize at maramdaman niyo na ginagawa niyo ang bagay dahil gusto niyo lang manalo. Dapat gusto niyong manalo dahil mahal niyo ang org natin. Mahal niyo ang ERG. Talent is one thing but if you put your heart into what you're doing, feelings will naturally radiate out of you and to your listeners.
Para naman sa indakan, wala sa hinagap ko na hindi kayo mananalo this year. Ang sabi kasi sa akin ni EJ, this year's choreo is the best ERG's ever had. Sapat na yun sakin para isiping mag--pe-place talaga kayo this year. Lalo na nang may nagsabi sa akin na nakapanood sa practices niyo na maganda. As it turned out, hindi kayo nanalo. Nalulungkot ako para sa grupo dahil alam kong sobrang disappointed kayo. I know how it feels to lose not because you suck at what you did but because you weren't judged fairly. Hindi ko alam kung tamang sabihing unfair judgment or was it just that the event sponsor made a wrong decision of including text votes in the criteria for judging. Wait till I get a copy of the video presentations. Pero kahit ganon man, alam kong aabangan parin kayo ng buong eng'g next year. Mag-antay lang sila at babawi kayo!
At eto ang huli kong masasabi. Alam ko this year, mas mataas ang C------ sa ERG sa EWOC points. Eh, ano ngayon? Sabihin niyong sour graping ako? Hindi. Malungkot, oo. Bakit? Points are just points kung wala kayong napapatunayan pa sa buong eng'g. Nagkakaroon lang ng meaning ang points na yan if you had earned it through winnings that involved real talents. Hindi lang dahil sa sandamukal na mini events, quiz shows, palaro ang sinalihan niyo. Sa Eng'g, alam na nila kung sino ang ERG, kung ano ang talent at kayang gawin ng ERG. Eh kayo, may napatunayan na ba? May alam ba silang nagawa niyo na enough na para hindi nila kayo makalimutan at abangan sa bawat event? Wala, 'nuff said.
Lumipas na ang eng'g week at may aabangan na naman next year. Mabilis lang yan at hindi niyo mamamalayan eh eng'g week na naman. Tuloy lang ang laban! (Kala mo, welga no... hehe!) Kayang-kaya niyo yan! ERG pa!?! May tatalo ba sa isang grupo na nagsasama bilang isang pamilya, nagmamahalan at walang plastikan? Wala di ba? Kaya...
Let's do it on three... one... two... three... ERG FIGHT!!!!
Currently feeling: nostalgic
kudos UP-ERG!
Posted by linglaine at 10:54 PM on December 8, 2005 in Sa 'Pinas.
Hay nako, ang tindi
talaga ng pinakamamahal kong org, ang UP-ERG!!! Dabest at walang
kaparis. Maliwanag na pinanis na naman nila ang buong eng'g sa
Balibagan. Ano lang ba naman ang maging 2nd place sa mixed division, 1st sa women's at men's division!?! Kung nando'n pa'ko? 1st na pati sa Mixed! Bwahahaha. Joke! Kung nando'n pala si Tina. =D
Congrats
UP-ERG. Once again, these guys have proven all those second-rate orgs
that.... that... they're second-rate!!! Hahaha! Tamaan na ang tamaan,
at sana nga tamaan sila. =D
Simula na nga ng eng'g week at sana madagdagan pa ang iuuwi naming trophies. Take note ha, namin! Go
Smoker's! Go Awitan! Go Indakan! Go Ms eng'g! Ano pa ba? Basta ang
importante naman eh, nando'n ang puso sa bawat laro, sa bawat event.
(kahit di nila 'to mabasa) . Doon pa lang, panalo na!!!
Tina: sana mabasa mo 'to. Yung ticket ko nga pala sa awitan at indakan ha! =D libre mo muna ako. Bwahahahaha!
Athan: sorry kung natamaan ka. =D
On three... 1 - 2 - 3... EEEEEEEERG FIGHT!!!!
Currently feeling: jubilant